2 indibidwal, timbog sa iligal na pagbebenta  

DALAWA katao ang naaresto dahil sa umano’y iligal na pagbebenta ng mga produktong pang-agrikultura sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa Taguig City kamakailan.

Ang dalawang suspek ay naaresto sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit National Capital Region.

Nabatid na umakto umanong kukuha o bibili ng mga imported na sibuyas ang mga awtoridad sa Lucky Farmers Fruits and Grocery Store sa Veterans Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig City nitong Lunes ng gabi.

Sa nasabing operasyon ay katuwang ng CIDG ang Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry o BPI, at Taguig City Veterinary Office gayundin ang Southern Police District. 

Kaya naman sa ginawang beripikasyon ng the BPI ay natuklasan na hindi otorisado sa pag-aangkat at pagbebenta ng mga nasabing agricultural products ang mga suspek.

Naharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7394 of The Consumer Act of the Philippines. RUBEN LACSA