ARESTADO ang dalawang lalaki makaraang nahulihan ng mga paputok sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite Linggo ng madaling araw.
Nasa kustodiya ng Gen. Trias City Police ang mga suspek na sina alyas Gierson at Christian na naharap sa kasong paglabag sa RA 7183 o law that regulates the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers ang other pyrotechnic devices in the Philippines.
Sa ulat bandang alas-3:00 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng RID Special Team 4A (Lead Unit) kasama ang General Trias City Police Station na nagpanggap na mga buyer sa Bella Vista, Brgy Santiago, Gen Trias City, at nagresulta sa pagkakaaresto nina Gierson at Christian.
Narekober sa kanila ang 19 na bundle na regular Kwitis, apat na kahon ng bombshell Kwitis, tatlong pakete ng whistle bomb, isang box na piccolo, isang box na Higad, isang box na Magi diamond fountains, isang iPhone 13 Pro max na cellphone, kulay puti na Honda sedan na may plakang ZTA 246 at buy bust money. (Gene Adsuara)