SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki na naglalaro ng cara y cruz na may nakatagong baril at droga sa Imus City, Cavite.
Kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 at RA 10591 (Comprehensive Firearms, Ammunition Regulation) at PD 1602 (Cara y Cruz) ang kinaharap na kaso ng mga suspek na sina alyas Jose, ng Brgy Bayan Luma 5, Imus City; at alyas Kim, ng Brgy Palico 4, Imus City.
Sa ulat, bandang alas-3:48 ng madaling araw ay nagsagawa ng anti-illegal operation ang mga operatiba ng Intel ng Imus Component City Police Station sa Brgy Bayan Luma 5.
Naaktuhan nila ang ilang lalaki na naglalaro ng cara y cruz.
Naaresto ang dalawa habang nakatakas ang ibang manlalaro at nakapkap kay Jose ang isang Walther PPK 380 pistol, magazine na may limang piraso ng bala at 1 gramo ng shabu na may streek value na P6,800 habang si Kim ay isang gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800.GENE ADSUARA