HEART attack ang isa sa pangunahing kasasadlakan ng mga gumagamit ng vape.
Batay sa pag-aaral, ang likido mula sa vape pen ay nagtataglay ng nicotine at sinasabing nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.
Ikinokonsidera ng ilan na hindi naman lubhang nakakapinsala ang vape.
Ito ay bunsod ng kawalan ng kaalaman na ang vape ay naglalaman ng mga mapaminsalang sangkap.
Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng e-cigarette kahit pa mga menor de edad ay napuna ng ibang health expert ang 2022 Vape Bill.
Ang naturang bill ay nagsasaad ng paghihigpit sa paggamit at pagbili ng vape ng mula 18 hanggang 21 anyos.