3 bagger ‘naperder’ sa pagpupuslit ng produkto    

SA kagustuhan na mabago ang kanilang mga kutis ay sa kulungan humantong ang tatlong bagger ng supermarket makaraang magkutsabahan na naglabas ng Belo Skin Serum sa Imus City, Cavite.

Nasa kustodiya ng Imus Component City Police Station ang mga bagger na sina alyas Joseph, Sandler, at Carlo na naharap sa kasaong Qualified Theft. 

Sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi naganap ang insidente sa SVI Supermarket sa Brgy Alapan 1-C, Imus City kung saaan pawang mga empleyado ang mga suspek bilang bagger.

Kumuha umano ang mga suspek ng dalawang botelya (30ml)  ng Belo Essentials AHA/BHA Serum Skin Renewing at isang botelya (30ml) na Belo Essentials Vitammin C Serum Ultra Bright Complex na nagkakahalaga ng P1,649.25 saka inilagay sa comparment ng motorsiklong Yamaha Sniper Classic na may plakang 7325 UK na pagmamay-ari ni alyas Sandler na nakaparada sa parking lot ng nasabing supermarket.

Lingid sa kanila ay na-monitor sila ng naka-duty na security guard na si Daniel Castor na nagresulta sa pagkakaaresto nila at pagkakarekober ng mga ninakaw. (Gene Adsuara)