UMAPELA si Bulacan Governor Daniel Fernando sa mga Bulakenyo para sa pagpapatupad ng tinatawag sa 5S Strategies.
Ang 5S Strategies ay tumutukoy sa Search and destroy of breeding sites, Self-protection measures, Seek early consultations, Support fogging or spraying during impending outbreak, and Sustain Hydration.
Ito ay adbokasiya ng Provincial Health Office bilang panlaban sa pagkalat ng sakit na dengue na nakukuha sa kagat ng lamok.
Ang panawagan ng gobernador ay inihayag sa isinagawang pamamahagi ng food packs sa mga nabiktima ng pagbaha sa Barangay Liputan, Meycauayan City.
Kabilang sa mga apektado ng sakit ay ang mga bayan ng Angat, Santa Maria, Marilao, Calumpit, Bulakan, Bustos, Pandi, Paombong, at San Ildefonso.
Gayundin ang mga lungsod na kinabibilangan ng Meycauayan, San Jose del Monte at Malolos. (RUBEN LACSA)