Masalimuot na batas

HINDI mahagilap dahil sa kapangyarihan o impluwensiyang tinataglay.

Kinakailangang mahanap at makuha upang madala sa mga kinauukulang hukuman.

Babasahan ng mga kaso at bibigyan ng pagkakataon para sa pagsagot at pagtatanggol.

Nagkakaroon ng aberya dahil ang panangga o ang pinagtatalunan ay ang tungkol sa batas.

Masalimuot na batas na pinagdedebatehan ng mga henyo o matatalino.

Dapat sa mga ganitong senaryo ay mayroong tatayo na tutuldok sa gusot.