Hukom na ‘di mababayaran

MATAPOS matagpuan at makuha sa compound ng Kingdom of Jesus Christ si Pastor Apollo Quiboloy kasama ang apat na iba pa ay dalawang paksa ang mainit na pinag-usapan.

Sumuko o napasuko ba ang pastor na sinundan naman ng iba’t ibang isyu pa.

Tungkol naman sa pagsasampa ng kaso laban ng magkabilang panig.

Isang kongreto at makatarungang batas ang kinakailangang mananaig.

Karapatan ng magkabilang kampo ang paghahain ng kaso sa inaakala ng bawat isa sa kanila na mayroong nangyaring paglabag at pang-aabuso sa itinatakda ng batas.

May mga tatayong hukom na maggagawad ng karapat-dapat na hustisya.

Hukom na hindi madidiktahan at mababayaran dahil ang pagpataw ng hatol ay naaayon sat ama at katotohanan.