Gabay ng magsasaka sa pag-utang

SADYANG may kaukulang pagpapautang para sa mga magsasakaya subalit napupuna ang pamamaraan.

Bukod sa maayos ay kinakailangang madali o simple lang ang sistema sa pautang.

Paliwanag ng Philippine Chamber of Agriculture and Food, karamihan sa mga magsasaka ay sinasabing hindi sapat ang edukasyon.

Dahil maraming hindi tapos ng elementarya o sekondarya kaya nahihirapan tumugon sa mga pangunahing kailangan sa aplikasyon para sa pag-utang.

Dagdag pa ang pangamba o pagkailang na pumasok sa mga banko dulot ng umano’y kamangmangan.

Sa puntong ito ay mahigpit ang panawagan sa pamahalaan ng naturang grupo na bigyang gabay ang mga magsasaka sa simpleng pamamaraan ng pagpapautang sa mga ito.

Magiging susi ito upang maiiwas ang mga magsasaka sa mga mapagsamantalang indibidwal o kumpanya na nagpapautang.