Magbilang ng mga araw

MAY pagbabanta laban sa mga smuggler at hoarder si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’  Marcos, Jr.

Hindi naman kaila sa atin ang pagkakabanggit ng Pangulo sa kanyang katatapos na ikalawang State of the Nation Address na bilang na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder.

Nangangahulugan na mas palalakasin pa ng pamahalaan ang kampanya hinggil dito.

Lalo pa at nagpahayag ng suporta rito ang pamunuan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sabi nga ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, sila sa Kongreso ay kaagapay o tutulong kay PBBM sa giyerang ito.

Sa all out war na ito ay dapat kaagapay din ang iba pang depafrtamento o sangay ng gobyerno.

Ang pagkakapanalo sa digmaan ay matatamo basta sinsero sa trabaho o ipinaglalaban.

Kailangang natutukoy ang mga nagsisilbing ‘anay’ o traydor upang makakatiyak sa pagkakapanalo.

Lagpas sa apat na taon pa ang panunungkulan ni President Marcos, Jr. at sa pagtatapos kaya ng kanyang termino ay may mabibilang pa kaya tayo sa ating mga daliri na mga smuggler at hoarder?

Much better kung totally ay wala na tayong mabibilang.

Well! Magbilang na lamang tayo ng mga araw o maghintay ng kaganapan.