Panghuhusga sa Kapwa

KAMAKAILAN ay nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang isang media personality sa kanyang kapwa media personality tawagin na lamang natin sa pangalang “peter”, nagkasama din naman ang dalawang ito ilang taon na ang nakakalipas nuong si “peter” ay naglalagi pa sa Quezon City Police District Press Corps at muling nagkita nitong nakaraang 2022. Dahil sa tiwala ay naki-usap si “peter” sa katotong media personality upang gamitin “on air” ang isang artikulo patungkol sa umano’y Vietnam’s militarization sa West Philippine Sea. Si “peter” ay isang third middle man lang at siyang napaki-usapan ng talagang “middle man” upang maghanap ng mga media personalities sa radio, sa dyaryo at sa telebisyon upang mapag-usapan ang tungkol sa nasabing isyu sa West Philippine Sea kung inyong matatandaan ginamit ko din naman iyun dito sa ating kolum na The Godfather. Sa mga hindi inaasahang pangyayari, hindi agad naibigay nung principal sponsor yung naipangakong “talent fee” dun sa media personality na kausap ni “peter” ang resulta nag post si media personality sa kanyang Facebook account nang “… kumusta ka na? Magpopost uli ako, Abangan mo.” Eto ngayon, sinakyan ito ng ilang mga kaibigan, kakilala at followers ng nasabing media personality at nag-komento ung isang magaling na taga media din at nag-komento nang “Pucha yan ba yung IMPOSTOR NA PARI.” Kinumpronta ni “peter” ung nagkomento at sumagot ito na “Anong pang huhusga sinasabi mo sa totoo lang tayo.” Para namang alam na alam nila ang mga nangyayari sa buhay ng isang tao, di ba? Mga tao na kung makapanghusga sa kapwa ay wagas na akala mo naman ay napaka-perpekto… mabuti sana kung hindi sila magkaka-kilala di po ba?

 

Ang sinasabi ko mga kaibigan, sino tayo para manghusga sa kapwa? Yes, maaaring kumalat ang isang isyu tungkol kay “peter”, isyu na mayroong mas malalim na dahilan kung bakit nangyari pero hindi man lang natin inalam kung ano ang naging kinalabasan ng nasabing isyu. Katulad na lamang na tawagin siya na isang “IMPOSTOR”, teka muna kung ang pagbabasehan lamang natin ay ang pagkaka-labas sa telebisyon ng nasabing isyu, hindi naman makatarungan iyun lalo’t mayroong mas malalim na pinag-ugatan ang isyu. Lumalabas na “Trial by Publicity”. Kapag sinabi natin na IMPOSTOR ang isang tao, ito ay nangangahulugan na “that person pretends to be someone else in order to deceive others, especially for fraudulent gain”… Una, “peter” did not pretended to be someone else, during that time he is a validly ordained priest of the Old Roman Catholic Church Utrecht Succession, wala kasi kayo nung pinuntahan siya nung Vicar General ng Roman Catholic diocese of Cubao at tinanong kung sino ang nag ordain sa kanya, inuulit ko wala kayo dun.. pangalawa, he did not deceive others just for fraudulent gain, ano ibig sabihin? Nasubukan nyo ba magtanong kung inisa-isa nung tao ang mga tao dun sa Simbahan para manghingi ng pera? At pangatlo, alam ba natin kung ano na ang mga developments na nangyari dun sa tao pagkatapos nung insidente na napanuod nyo siya na binabanatan sa telebisyon? Paalala lang mga kapatid, nasusulat sa bibliya, sa Ebanghelyo ni San Mateo na huwag tayo manghusga ng kapawa lalo’t higit dahil hindi naman natin alam ang kanyang tunay na pagkatao. Mag isip muna tayo bago mag salita para hindi tayo makapanakit ng kapwa.