Nakialam ng ibang cellphone

NAGTEXT si Inday sa kaibigang si Ben upang humingi ng tulong dahil sa problemang pinansiyal.

Handa naman si Ben na tumulong kaya nagtakda ng oras at lugar ng kanilang pagkikita dahil bukod sa pera ay mayroon siyang ibibigay na bagay kay Inday.

Pagkalipas ng halos trena minutos ay may pumasok na text message kay Ben.

Number ni Inday pero iba ang nilalaman ng text.

Ang pakilala ay mister siya ni Inday at nagtatanong bakit magkikita si Ben at kanyang misis.

Taka si Ben dahil alam na matagal ng hiwalay sa asawa si Inday.

Kung anu-anong text messages ang natatanggap ni Ben na minabuti na lamang na manahimik at hindi pinansin o sumagot.

Timigil din ang misteryosong texter at pagkaraan ng halos sampung minute ay tumunog muli ang cellphone ni Ben.

Mayroon na namang text at galing na kay Inday na humihingi ng pasensiya.

Ang paliwanag ay naki-charge lamang siya ng cellphone sa kakilala o kaibigan at hindi alam na pinakialaman pala ang kanyang cp.

Tanong ni Inday ay maaari ba niyang ireklamo o kasuhan ang nakialam sa kanyang cellphone?

Siyempre naman!