Kalahating kanin

TINATAYANG nasa 10 grams of rice per meal ang nasasayang kada araw.

Sumatotal ay umaabot sa 384,000 metric tons ang nasasayang sa loob ng isang taon.

Batay ito sa pag-aaral ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), na nasa ilalim ng Department of Agriculture.

Ang naturang kanin na nasasayang ay tinatayang nasa halagang P7 billion.

Sa pananaw ng PhilRice ay aabot sa 2.5 milyong katao ang dapat sana ay makakain nito sa loob ng isang taon.

Pinaniniwalaang makakatulong ang mungkahing half-cup rice servings sa mga food establishments.

Sabi nga ng PhilRice ay mas maganda kung national ang law dahil mase-serve ang half-cup saan man dako.