NAKIKITAAN ang pagganda ng inflation rate sa bansa at dito ay mayroong suhestiyon ang National Economic and Development Authority.
Dapat umano ay patuloy pa rin ang gobyerno sa pagbibigay ng subsidiya sa mga kababayan nating mahihirap.
Hangad ng pamahalaan na ang nararanasang paghihirap ng mamamayan ay mabawasan.
Naniniwala ang ahensiya na sa pamamagitan ng pagpapatuloy na pamamahagi ng subsidiya sa mga mahihirap na Pilipino ay makakasiguro ang gobyerno sa minimithi nito.
Nakikita ang pag-asa na ang tinatawag na single-digit poverty rate ay matatamo ng bansa sa 2028.
Sa hanay naman ng Department of Social Welfare and Development ay ang patuloy na pag-aaral para sa higit pang ikagaganda ng kanilang mga programa.