KASAMA ni Pedro ang kanyang aso at angkas niya sa minamanehong motorsiklo.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang tumalon ang aso na nagdulot ng disgrasya.
Dahil sa pagkakatalon ng aso at pagtawid ay humantong sa pagkakadisgrasya ng isa pang nagmomotor.
Nabigla sa pagkakasulpot ng aso at posibleng nawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong motorsiklo.
Pwede bang isakay o iangkas sa motorsiklo ang alagang aso?
Kung sa tricycle ay ubra basta maayos ang pagkakatali na dapat nga ay nasa kulungan pa subalit sa single motorcycle ay hindi dapat.
Hindi naman laruan o simpleng bagay ang aso dahil tulad sa tao ay mayroon ding buhay.
Kaya dapat ay pahalagahan din ang buhay ng aso lalo na ang buhay ng ibang tao sa nakaambang disgrasya dahil lamang sa pagkakaangkas ng alaga.
Marami ng aksidente sa kalye na ang dahilan ay aso lalo na sa mga nakamotorsiklo.
May buhay man ang aso gayunman ay wala namang wastong kaisipan na tulad ng sa tao.
Maraming nagkalat na aso sa kalsada sa kabila na ang mga ito ay mayroong amo.
Amo na basta lamang nagkaaso pero hindi alam ang tamang kalinga sa alagang hayop.
Hindi lamang vehicular accident ang idinudulot ng aso sa kamay ng walang kwentang amo.
Gulo o away dulot ng ‘dumi’ ng aso na gumagala sa lansangan sa kabila na mayroon namang amo.
Paano na kapag nakakagat ang aso na bigla ay todo ang amo sa pagtanggi na kanya ang hayop?
Kaawa-awa ang nakagat o ang biktima dahil sasarilinin ang gastos sa pagpapagamot.
Saludo tayo sa mga responsible pet owner dahil sa pagmamahal at tunay na malasakit sa aso o alagang hayop.
Kung hindi kayo ganito ay makabuting huwag ng mag-alaga ng aso dahil dulot ay perwisyo.