SANIB puwersa ang Department of Agriculture at ang National Dairy Administration.
Nilalayon nito ang pagpapasigla at ibayong pagpapalakas ng produksyon ng gatas sa bansa .
Misyon ng NAD na makaabot sa 80 milyong litro ang produksyon ng gatas sa 2028.
Ibig sabihin, sa susunod na limang taon ay nasa 2.5 na mas mataas sa milk output.
Ang mga hayop na nasa milking line ay lalong itataas ang bilang kasabay ng pagpapalakas ng dairy productivity.
Gayundin ang pagpapalawak sa mga network at ang pagpapatayo ng mga karagdagang dairy-related infrastructure.
Ang mga naturang suhestiyon ng NDA ay katanggap-tanggap naman para sa DA.