MABIGAT na parusa ang babala ng Korte Suprema laban sa isang judge sakaling ulitin nito ang kanyang unang ginawa.
Binato ni judge ng libro ang isang abogado na inamin naman ng huwes kaya siya ay pinagmulta.
Isa umano itong paglabag sa Revised Rules of Court at the lawyer’s table sa panahon ng pagdinig o hearing.
Kaya naman ang babala ng Korte Suprema ay mahaharap na sa mabigat na kaparusahan ang judge kung muli nitong gagawin ang katulad na insidente.
Pagtatanong lamang, bukod sa pagbibigay ng desisyon o hatol ay ano pa ba ang mga kapangyarihan ng isang judge?
Mayroon bang kapangyarihan ang huwes na tawagan ang isang indibidwal na ang pakay ay may kahalong pananakot?
Hindi naman pagbabanta sa buhay bagkus ay may kinalaman sa kaso ang puntirya ng huwes.
Gayunman ay hindi naman nakakatiyak na mismong si judge nga iyon dahil ang pag-uusap ay sa telepono o cellphone lamang.
Lalo pa at magkakaiba ang phone number na ginagamit o ginamit na ang pakilala ay isa siyang judge.
Tanong uli, mag-aaksaya ba ng tawag o mga tawag ang isang judge para kumausap ng indibidwal?
Ang masaklap ay paano kung hindi naman talaga totoong huwes ang tumatawag?
Kawawa si judge dahil nagagamit ang kanyang pangalan.
Paglilinaw po lamang, walang kinalaman ang judge na binalaan ng Korte Suprema sa aking mga pagtatanong na ito.
Hindi po siya iyon bagkus ang aking mga pagtatanong ay para sa pangkalahatan partikular sa mga iginagalang nating mga judge.