Paglabas ng mga hudyo sa panahon ng Kwaresma  

PUMAPASOK tayo ngayon sa panahon ng summer na bunsod ng nararanasang init ay naiisipan ang pagbabakasyon sa mga lugar na maganda o malamig ang klima.

Kaugnay naman nito ay patuloy ang paalala sa publiko ng Philippine National Police kaugnay ng tinatawag na tour scams.

Sa talaan ng PNP Anti-Cybercrime Group ay mayroong 313 kaso ng vacation scams ng nakalipas na taon na lubhang mas mataas kung ihahambing sa 91 kaso noong 2022.

Ngayong 2024 ay nakapagtala na sa unang dalawang buwan ng 35 kaso ng nasabing scam.

Ang istilo sa scam na ito ay ang pag-aalok ng akomodasyon ng mas mababa o murang halaga lamang.

Pihadong sa darating na long weekend sa Semanata Santa ay dagsa ang pagbabakasyon kaya tiyakin na ang transaksiyon ay sa mga lehitimong travel agencies.

Sa panahon ng Kwaresma ay mas lumalabas ang mga hudyo para makapanloko at manggantso.