KASADO sa Civil Aviation Authority of the Philippines ang pagpapanatili ng Oplan Biyaheng Ayos Semana Santa na ipinatutupad taun-taon.
Ang tinatawag na Holy Week rush ay ang pagdagsa ng mga pasahero para sa kanilang pagbibiyahe.
Kaya naman mahigpit ang ahensiya sa mga kawani nila hinggil sa ‘no leave policy’ na nakatalaga sa mga paliparan.
Layunin nito na makatiyak ang kanilang manpower sa tinatawag na travel surge ngayong Semana Santa.
Katuwang dito ang Department of Transportation-Office of Transportation Security at Philippine National Police-Aviation Security Group.
Handa na rin ang 44 commercial airports na nasa ilalim ng CAAP para sa pagtugon sa mga bibiyahe.
Hindi naikakaila ang pagtaas ng bilang o porsiyento ng mga pasahero sa mga ganitong panahon.