ANG kaibigan ay kaibigan daw, kahit sinasabing may nagawang pagkakamali o nasasangkot sa aberya ay kaibigan pa rin.
Paano ba ang eksplanasyon sa pagiging kaibigan o magkaibigan?
Kung hindi nagsasabi ng katotohanan sa iyo ay pwedeng isiping hindi kaibigan ang turing sa iyo.
Ang sabi nga, ang lahat ay sasabihin sa iyo kung ikaw ay itinuturing na kaibigan.
Dahil ang turing sa iyo ay kaibigan ay wala siyang ililihim lalo siya ay nasa bingit ng alanganin o problema.
Diyan naman masusubok kung ano kang klaseng kaibigan, kung ikaw ba ay tunay na kaibigan.
Mahirap na sa huli mo na malalaman ang katotohanan at mabubunyag dahil sa tuwirang pagsisiyasat.
Alam naman natin ang sinasabing ‘kapag mayroong usok ay may apoy’ na ibig sabihin ay magliliyab batay sa katotohanan.
Hindi porke ikaw ay isang judge, abogado, o ano mang propesyon at kahit de-kalibre ka pang tao ay maikukubli mo ang apoy sa lumalabas na usok.