Matinding init ng panahon, dagok sa ekonomiya  

NANUNUOT na sa kalamnan at sadyang ramdam na ang sobrang init ng panahon.

Hindi naman maikakaila na ang nararanasang matinding init ng panahon ay mayroong banta sa ating kalusugan.

Sa obserbasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay hindi lamang sa tao o kapaligiran ito mayroong epekto.

Batay sa pananaw ng BSP ay ay nagdudulot din ito ng epekto sa ekonomiya ng ating bansa.

Bunsod ng matinding init ng panahon ay bumabagal ang pag-angat ng ating ekonomiya.

Nagsisilbi itong dagok sa operasyon ng pagnenegosyo at produksiyon gayundin sa price levels ng bansa.