Kaway ng karma sa pagbabanta  

SINUSPINDI ang klase sa isang paaralan dahil sa pagbabantang may mga nakatanim na bomba.

Kung may katotohanan man o wala ang pananakot ay tama lang na isuspindi ang klase para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at maging ng mga school personnel.

Ang bomb threat ay isinagawa sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala sa email ng paaralan.

Kapag walang nangyaring pagsabog ay nangangahulugan na ito ay isang uri lamang ng pananakot.

Ang pananakot o pagbabanta bukod sa hindi makataong gawain ay isa ring krimen.

Katulad din sa pagtawag sa telepono o cellphone na ang tema o ipinapahiwatig ay pagbabanta o pananakot.

Ginagamit ang posisyon para sa pananakot batay sa istilo ng pakikipag-usap sa telepomo.

Pwede rin naman na hindi siya mismo iyon pero kumakaladkad o ginagamit lamang ang pangalan ng opisyal o tao para isagawa ang pagbabanta habang nakikipag-usap sa cellphone.

Dapat ang nasa likod o utak ng pagbabanta o pananakot ay natutugis upang papanagutin sa batas.

Kahit pa mataas na tao o nasa posisyon ang nagbabanta ay kailangang napaparusahan.

Maraming klase ng pananakot at hindi lamang ang pagbabanta sa pagpapasabog o sa buhay ng isang tao.

Maging maingat lamang tayo sa ano mang uri ng pananakot subalit ang katotohanan ay lalabas at lalabas din dahil kumakaway ang karma sa sino mang gumagawa ng pagbabanta.