Buwis  

MATATAPOS ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos, Jr. na walang magaganap na pagpapatupad ng bagong buwis.

Batay ito sa pagtitiyak ng Department of Finance alinsunod sa pahayag ni Secretary Ralph Recto.

Sa kasalukuyan ay nakasentro umano ang gobyerno sa kung paano pa lalong pahuhusayin ang tax collection.

Ang pagpapahusay sa koleksyon ng buwis ay sa pamamagitan umano ng digitalization ng departamento.

Mataas naman na ang kasalukuyang buwis na ang 60 porsiyentong kita ng pamahalaan ay nanggagaling sa indirect taxes.

Sa nakikita ay naniniwala ang Finance department na hindi na kakailanganin ang panibagong bagong tax measures.

Iyon nga lamang ay mayroong katagang ‘pero’ dahil maaari rin na maging posiyon ang pagtataas ng buwis.