NAKAPAGNILAY kaya ang mga mananampalatayang katoliko sa lahat ng kasalanan o pagkakamali sa pagtatapos ng Semana Santa?
Sabi nga ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advinula, ang Mahal na Araw ay panahon ng pagtitika.
Ihingi ng kapatawaran ang mga pagkakasala at magbalik loob sa Panginoon.
Tama na tayo ay tao lamang na nagkakamali at nakakagawa ng kasalanan subalit dapat ay nasa puso ang paghingi ng kapatawaran.
Ang pagbabalik loob sa Panginoon ay hindi tuwing Holy Week lamang bagkus ay araw-araw.
Katatapos lang natin gunitain ang Semana Santa at ‘wag naman sana na ilang araw o linggo lamang ang lilipas ay kakalimutan na ang mga pinagnilayang mali o kasalanan.
Sana araw-araw ay Semana Santa na hindi lamang pinatitibay ang paniniwala at dedikasyon sa Diyos para sa pagsisilbi at pagtalima sa Kanyang mga kautusan.
Kung ikaw ay nanlalamang ng kapwa ay makakabuting maging patas sa ano mang uri ng laban o pakikiharap.
Kung ikaw ay nananakot o nagbabanta gamit ang iyong kapangyarihan o posisyon ay itigil na iyan.