BUNSOD ng nararanasang matinding init ng panahon ay isinasagawa ang suspensiyon ng klase ng mga mag-aaral.
Napipilitang gawin ang class suspension para sa kapakanan ng mga bata o estudyante laban sa mga nakaambang sakit na taglay ng sobrang init.
Bilang pansamantalang alternatibo ay ang blended learning subalit hindi maikakaila na iba talaga ang face to face class.
Ang matinding init na klima ay sinasabing maaaring paglabanan habang isinasagawa ang pag-aaral.
Dapat ay sapat ang mga silid-aralan at akma ang bilang ng mga estudyante.
Hindi dapat nagsisiksikan ang mga mag-aaral na pilit na pinagkakasya sa isang class room.
Napakahalaga rin ng sapat na bentilasyon sa bawat silid-aralan na isa sa panlaban sa init ng panahon.