Hindi taumbayan ang madedehado

MEDYO ‘maanghang’ ang binitiwang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang pangulo ng ating bansa na si President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Batay sa pagkakasabi ni Duterte ay dapat bukod sa masaya ay kuntento na si Marcos sa anim na taong panunungkulan bilang pinakamataas na lider ng bansa.

Ang pagkakataon upang maging pangulo ng bansa ay pagpapatunay na iginawad na umano ng mga Pinoy ang kapatawaran kay Marcos sa pamamagitan ng basbas ng Panginoon.

Sinasabing sa kabila na hindi maganda ang naging pagbaba sa puwesto ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay itinulot pa rin umano ng Diyos na maging presidente si Bongbong para pamunuan ang bansa.   

May pahaging pa si Duterte sa sinasabing balak na charter change para sa pagpapatupad umano ng ekstensiyon sa termino.

Sa tama o takdang panahon ay malalantad ang katotohanan subalit sana sa kung ano man ang kahihinatnan ay hindi taumbayan ang madedehado.