NAGKAKATOMAAN ang ilan kabataan at mayroon silang kasamang adult o may edad na na kainuman.
Sa kalagitnaan ng inuman ay bahagyang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa panig ng mga kabataan.
Palibhasa ay mga nasa impluwensiya ng alak kaya ang kuwentuhan o usapan ng mga kabataan ay posibleng humantong sa pagtatalo.
Bilang nakatatanda o tanging may edad sa mga nag-iinuman ay tinangkang mamagitan.
Maaaring maganda ang intensiyon ng pag-awat upang hindi na lumala pa ang diskusyon.
Iyong nga lamang ay isa sa mga kabataan na umiinom ang minasama ang naturang pag-awat.
Nakakita ng matulis na bagay at pagkakuha ay nagawang isaksak sa may edad na kainuman.
Matapos ang pananaksak ay tumakas at ang sinaksak ay binawian ng buhay pagdating sa pagamutan.
Nakakalungkot sa panig ng may edad na kainuman na nagbuwis ng buhay na ang hangarin ay matigil lamang ang pagtatalo ng mga kabataang katoma.
Pero ang katotohanan lamang dito ay hindi pa dapat sumasabak sa inuman ang mga kabataan o wala pa sa hustong gulang.
Nakakapanlumo pa rito na ang nanaksak bukod sa pagiging kabataan o minor ay isa siyang estudyante.
Wala tayong binabanggit o itinuturong may kasalanan o mayroong pagkakamali sa inisdenteng ito.
Pakatandaan lamang na minsan ay may mga pagkakataon na traydor ang alak na kahit ilan shot o tagay pa lamang ay aatakehin na ang utak ng umiinom na magpapabago sa katinuan at damdamin.
Tagay pa, kampai!