Panghabambuhay na solusyon    

ISA sa nakikitang solusyon ng Department of Transportation sa problema ng matinding trapiko sa kahabaan ng EDSA ay ang pagkakaroon ng motorcycle lane.

Katuwang ang ibang sangay ng gobyerno kabilang ang Metropolitan Manila Development Authority sa pag-aaral para sa nasabing plano. 

Hindi naman maikakaila na patuloy na dumarami ang gumagamit ng motorsiklo at katanungan lamang na ang naturang hakbang kaya ang makakapagbigay ng solusyon.

Napakaraming dahilan bakit dumarami pa lalo ang tumatangkilik ng motorsiklo at isa na rito ay bunsod ng pahirapan sa masasakyan.

Kung nais tugunan ang nabanggit na suliranin ay ibigay dapat ang panghabambuhay na solusyon at hindi alternatibo o pansamantalang solusyon lamang.

Ang dapat ipagkaloob ng gobyerno sa publiko ay ang mass transportation na maayos, ligtas at kumbinyente.