Brownout  

ANG pagkakaroon ng brownout sa ilang bahagi ng bansa ay bunsod ng manipis sa supply ng kuryente.

Hindi maikakaila ang patuloy na pagtaas ng power demand sa bansa.

Tumataas din ang bilang ng naitatalang mga power outages ng planta ng kuryente mula sa ibang lugar.

May mga kaakibat na opsiyon naman na isinasagawa ang Department of Energy bilang pag-iwas sa brownout sa ilang bahagi ng ating bansa.

Hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan ay sasabak pa tayo sa napakatinding init ng panahon.

Partikular na nakasandal ang taumbayan sa nasabing kagawaran hinggil sa suliraning ito.