NANANATILING number one o nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo na nag-aangkat ng bigas.
Lumabas nga sa isang pag-aaral na aabot ng hanggang 4.1 million metric tons ng bigas ang aangkatin ng Pilipinas ngayong 2024.
Noong nakaraang taon ay ikinonsidera rin ang Pilipinas bilang leading rice importer.
Dapat ay natutugunan ng gobyerno ang isyung ito sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kakayahan ng ating mga magsasaka.
Ito ay upang matamo natin ang sapat na supply ng palay o bigas.
Kailangan din magkaroon ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
Gayundin ang makabagong makinarya dagdag pa ang wastong pamamaraan o sistema na may kinalaman sa pag-aalaga ng mga lupang sinasakahan.