MAYROONG apela ang Commission on Elections sa lahat ng botante para sa 2025 midterm elections.
Kung sa tingin o paniwala na kaduda-duda o kwestyunable ang pagkatao ng kakandidato ay kailangang gumawa na ng kaukulang hakbang.
Ito ay sa pamamagitan ng paghahain ng mga botante ng disqualification case sa kakandidatong hindi karapat-dapat.
Kailangang isagawa ito sa panahon ng paghahain ng kandidatura para sa agarang pagreresolba.
Paliwanag ng Comelec na kapag nagtapos na ang panahon sa paghahain ng kandidatura ay wala ng hurisdiksiyon ang komisyon.
Ang kasalukuyang chairman ng ng Comelec ay hindi sang-ayon sa suhestiyon na bigyan ng opsyunal na kapangyarihan ang komisyon sa pag-aapruba o pagtanggi sa aplikasyong inihahain ng kakandidato.
Ang punto rito ay kailangang mapanuri o maging vigilante ang mga botante sa personalidad ng bawat kakandidato sa oras o panahon ng paghahain ng kandidatura.