IPAABOT natin ang mainit na pagbati sa lahat ng nagsipagtapos para sa taon na ito.
Kahit ano mang antas iyan, kolehiyo, sekondarya, elementarya at maging sa mga pre-school.
Siyempre ang pagbati rin sa lahat ng magulang ng mga nag-graduate o sa mga nagsilbing guardian nila.
Medyo may mga isyu o usapin lamang sa pamamaraan ng ilang parents sa pagbibigay ng regalo sa kanilang anak na nagtapos sa pag-aaral.
Kahit hindi na natin banggitin ay batid kong alam na ninyo ang nasabing usapin.
Ito ay ang tungkol sa pera na ipinanregalo na idinisensyo sa iba’t ibang klase ng pakulo.
Sa bawat usapin naman ay sadyang nahahati ang pananaw ng mga tao.
Tanggap ng ilan ang ganoong uri ng istilo subalit sa iba ay hindi iyon kaaya-aya.
Kung hati man ang opinyon dito ng mga tao at sakaling titimbangin ay tila nakararami ang hindi sang-ayon.
Pera ang iyong pabuya sa nagtapos na anak ay pwede naman.
Tanong nga lamang ng iba ay bakit kailangang sa ganoong pamamaraan pa.
Para saan at bakit?