NAGPALABAS ng kautusan si Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na may kinalaman sa tinatawag na heightened police presence kasama na ang foot patrol na isa sa mga pangunahing layunin ay ang mabilis na response sa mga krimen.
Tinugon naman ito ni Philippine National Police chief, P/Gen Rommel Marbil.
Kabilang ang mas maraming pulis na pagpapakalat sa lansangan para sa pagpapalakas pa ng kampanya kontra krimen ng kapulisan.
Sinasabing malaking tulong kapag maraming pulis sa bawat komunidad para sa kaligtasan ng mamamayan.
Bukod sa maibibigay sa mamamayan ang kaligtasan ay muling maibabalik ang tiwala sa pulisya.
Sa utos ng hepe ng PNP ay ang pagbabawas sa mga office o clerical work ng mga pulis.
Para raw ang maging aktibo ang 85 porsiyentong pagganap sa tungkulin ng mga pulis sa labas o field.
Pinaiigting din ang pagpapatupad ng Oplan Sita at Oplan Galugad pati ang patrol operations.
Maganda naman ang hakbang na ito para sa kapakanan din ng mamamayan.
Pero huwag naman nakatutok lamang sa Oplan Sita o checkpont na sabi nga ay argabyado na naman ang mga motorcycle rider.
Kasi ay focus sa pagpapahinto sa mga rider samantalang marami rin naman na de-sasakyan ang gumagawa rin ng krimen.