HINABOL ni Pedro ang kanyang nakawalang alagang aso na dumiretso sa bakuran ng ibang bahay.
Nagkataong nakita si Pedro ng may-ari ng bahay na mayroong dalang baril.
Tinarget si Pedro na masuwerte naman dahil hindi pumutok ang baril ng kanyang kapitbahay.
Kaya ang ginawa ay pinagsisigawan na lamang si Pedro pero muling nagkasa ng baril.
Hindi na natukoy kung pumutok na ang baril sa ikalawang pagkakataong panunutok kay Pedro.
Kayo na ang humusga sa ginawang aksiyon ng may-ari ng bahay o bakuran na tinakbuhan ng aso.
Usaping ligal ito na tutukoy sa mga maaaring kaso para sa paghahabla.
Nabanggit lamang natin ang aso dahil tungkol din sa naturang hayop ang ating paksa.
Aso pa rin subalit ito ay ibang usapin na hindi tungkol sa tangkang pamamaril.
Si Berto naman ay mayroong apat na alagang aso na walang lahi o hindi mga imported.
Nakatali o nakakadena lamang ang apat na aso sa bakuran ng bahay.
Ang bakuran ay open o bakante na sadyang walang harang o kahit maliit na bakod.
Kaya naman kapag napadaan sa harap ng bahay ay tatahol ang mga aso.
Dahil open nga ay makikita ang mga ebak ng kaso na nakakalat sa sahig.
Minsan kasi ay matagal o hindi kaagad nalilinis ng may-ari ng apat na aso ang dumi ng kanyang mga alaga.
Argabyado tuloy ang mga kadikit na bahay lalo na sa left and right side dahil langhap ang baho.
Speaking of dumi ng mga aso, kakaibang klase ang ginagawa ng may-ari.
Dadakutin ng dustpan ang mga ebak at pagkatapos ay ihahalu-halo sa lupa.
Itsura ng nuno sa punso ang sukat o taas ng lupa na pinaglalagyan ng mga ebak ng mga aso.
Mistulang naghahalo ng semento at buhangin kapag inilalagay na ang mga ebak sa lupa.
Kaya naman ang bansag o tawag doon ay ‘nuno ng mga pupo’ kapag napapansin lalo na ng mga bata.
Masarap mag-alaga ng aso o iba pang alagang hayop subalit tiyakin na tayo ay responsable upang hindi hahantong sa pagrereklamo.