TUWING nagkakaroon ng pag-upo sa bagong panunungkulan ay sadyang napakaganda sa pandinig ang mga napapakinggan.
Punung-puno ng mga pangako at pagbibitiw ng mga salita para sa makabuluhang mga programa.
Maganda sa tainga ng bawat nakakapakinig kaya naman kaakibat ay ang pag-asa.
Ang masakit sa parteng pangako ay ang mga pulitiko o kumakandidato na lubhang napakatamis ng dila.
Para naman sa mga umuupo sa bagong panunungkulan ay karaniwan na ang mga pangako.
Mayroon naman tumutupad sa pangako at pinatutunayan ang mga pagbabago.
Masaklap lamang ay iyong mga hanggang pangako lamang na kapag nakaupo na sa puwesto ay nakakalimot na.