Espesyal na halalan?  

EPEKTIBO sa darating na Hulyo 19 ang pagbaba sa puwesto ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.

Noong Hunyo 19 ay inanunsuyo ng ating bise presidente ang kanyang resignation as DepEd secretary.

Nagkaroon naman ng anunsuyo nitong Hulyo 2 mula sa Presidential Communications Operations Office na papalit kay VP Sara Duterte bilang DepEd secretary ay si Senator Sonny Angara batay sa pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kapag ganap na naupo si Senator Angara bilang kalihim ng DepEd ay mababakante ang posisyon nito sa Senado.

Dapat pa bang magpatawag ang Senado ng special election para sa bakanteng posisyon o hintayin na lamang ang 2025 midterm elections?

Halos isang taon na lamang ang hihintayin at sadyang maigsi na ang panahong ito.

Napakalaking halaga ang kakailanganin para lamang sa pagkakaroon ng special elections.

Pahayag nga ng Commission on Elections ay posibleng aabot sa hanggang P13 bilyon ang  magagamit.

Porjos porsantso! Napakalaking pondo na gugugulin para lamang mapunuan ang mababakanteng senatorial seat.

Sinusulat ito ay wala pang eksaktong ganap hinggil dito pero sana naman ay hindi na magkaroon pa ng ano mang kaganapan.

Kailangan pa ba ng espesyal na halalan?

Sayang ang napakalaking halagang pera.