‘Wag isugal ang kalusugan  

BUKOD sa bitamina ay kabilang din sa tinatangkilik at ginagamit ang food supplement na ang hangarin ay para sa maayos na pangangatawan.

Tama na bigyan pahalaga ang kalusugan subalit kailangang nakakatiyak na ito ay pasado sa Food and Drug Administration.

Mayroong mahigpit na paalala ang ahensiya kaugnay sa mga food supplement na hindi rehistrado.

Sinasabing may food supplement na malaki ang maitutulong sa pag-iwas sa maaga o mabilis na pagkawala ng memorarya.

Ang babala sa publiko ng FDA ay huwag tangkilikin at gamitin ang NEUROTECH Brain Memory Booster.

Sa halip na makatulong sa magandang pangangatawan ay makakaapekto sa kalusugan ang nasabing food supplement.

Hindi dapat isinusugal ang kalusugan kaya siguruhing nasa tama ang kinukunsumong food supplement.