‘Di lamang sa guro ang responsibilidad    

NGAYONG Hulyo 29 ang opisyal na pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan batay sa Department Order 009 series of 2024 ng Department of Education.

Ang midyear school break ay mula Nobyembre 25 hanggang 29 at ang Christmas break ay sa Disyembre 21.

Muling magbabalik sa paaralan ang mga estudyante sa Enero 2, 2025 at nakatakda naman ang pagtatapos sa Abril 15.

May mga kaakibat na alituntunin na ipinalabas ang DepEd hinggil dito.

Ang full distance learning ay puwede pa rin maipatupad dahil ang Department Order 44 series of 2022 ay nananatiling epektibo.

Mahalaga ang edukasyon sa bata o kabataan kaya inilalagak sa paaralan subalit hindi lamang sa mga guro o iba pang school personnel ibigay ang responsibilidad kundi sa mismong magulang o guardian kailangang magsimula.