Make-up classes

BAGO pa man ang nakatakdang School Year 2024-2025 nitong nakaraang Hulyo 29 ay nanalasa na sa bansa ang bagyong Carina na sinabayan pa ng habagat.

Sa kabila ng iniwang pinsala ng nasabing bagyo ay umabot sa 98 porsiyento ng mga paaralan sa bansa ang itinuloy ang school opening nitong Hulyo 29.

Batay sa datos ng Department of Education ay nasa mahigit 800 eskuwelahan ang nagpasya sa pagpapaliban ng klase kaya nasa lagpas 800,000 mag-aaral ang naapektuhan.

Kaya naman ang solusyon ng kagawaran ay ang pagsasagawa tuwing araw ng Sabado ng tinatawag na make-up classes.

Nilalayon nito na makahabol sa mga aralin ang mga estudyanteng naapektupahan ng pagpapaliban nitong Hulyo 29.

Layunin din nito na hindi sila mabitin sa school days batay sa pagkakatakda sa school calendar.