FilAm Coleman nagpa siklab sa Philippine Aquatics, Inc. National Sports Trials

FILAM RIANNAH CHANTELLE COLEMAN GOLD MEDALIST – PAI SPORTS NATIONAL TRIALS

 

BUONG lakas na umarangkada ang Filipino-American na si Riannah Coleman sa kanyang pag langoy ng Breakstroke style sa nilahukan nitong Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Trials  Swimming Championships na matagumpay naman nitong napagwagian makaraang magtala ng pinaka mabilis na langoy sa oras na ang 33.98 segundo na ginanap sa Teofilo Ildefonso swimming pool, Malate, Manila. (REY NILLAMA)

 

Tulad ng inaasahan, maagang nagparamdan ang mga Filipino-foreign swimmers sa pangunguna ni Filipino-American Riannah Chantelle Coleman sa pagsisimula ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 50-meter (long course) National Sports Trials sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.

Nalagpasan ng 15-anyos na si Coleman, isang regular na campaigner sa local swimming circuit, ang 33.98 segundo Southeast Asian Age Group Qualifying Standard Time (QTS) para sa mga batang babae 14-15 50-meter breaststroke sa impresibong 33.96 para makamit ang gintong medalya.

Tinalo ng protegee ni coach Dax Halili ng Dax Swim Club sina Krystal Ava David ng Golden Sea Eagles (34.69) at Jamaica Enriquez ng Pangasinan (35.62) sa event na suportado ng Speedo, Pocari Sweat at Philippine Sports Commission (PSC).
‘It feels so amazing because I sacrifice so much for this moment. I woke up at 2am everyday to practice before going to school, there’s so much pressure on me but surprisingly I made it and I am so very happy with the results,” sambit ni Coleman, isang athletic scholar sa government-run National Academy of Sports sa Capas, Tarlac.

“I was excited when I saw the name of Ate Kayla (Sanchez) in the starting list. I said to myself, wow I’m going to swim off with the Olympian medalist, but unfortunately her name was scratched at last minute, Sayang! panghihinayang ni Coleman sa nasayang na panahong makasabayan niya ang Fil-Canadian Olympian na bahagi ng heat 12 of 13 Finals sa naturang event.

Ang 23-anyos na si Sanchez, isang bronze medalist sa relay event swimming para sa Canada noong 2021 Tokyo Games bago kinatawan ang Pilipinas sa katatapos lang na Paris Olympics, ay  ‘no show’ sa 50-m breast – isa sa tatlong event na nakatakda niyang lahukan sa torneo.

“Napagod ng husto. Nalate kasi yung parade. Pag-uwi naming hotel masama na ang pakiramdam, kaninang paggising medyo may sinat na kaya nagdecide kami na scratch na lang yung event today,” pahayag ng ama ni Sanchez na si Noel.

Ayon kay PAI Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, ang Trials ang gagamitin bilang proseso ng pagpili ng mga miyembro ng National training pool na kakatawan sa bansa sa nakatakdang international competition ngayong taon hanggang sa unang dalawang quarter ng 2025.

“Huwag ninyong sayangin ang pagkakataon. Kung ano ang mga natutunan ninyo sa training, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya. Kami po sa PAI ang bahala pag nakasama kayo sa National Team,” pahayag ni Buhain sa opening ceremony na dinaluhan din nina PSC Chairman Richard Bachmann and Executive Director Paulo Tatad.

Hataw din si Gian Santos, nakabase sa Rancho Santa Margarita sa California, matapos manguna sa boys 16-18 400-meter freestyle sa oras na 4:01.26, halos anim na segundo na mas mabilis sa 4:07.74 QTS sa naturang kategorya.

Tinalo niya ang promising Davaoeno na si Paolo Miguel Labanon ng Rasa Wave (4:07.79) at Anton Della ng La Union (4:17.70).

Ang isa pang Fil-Am na si Jaydison Dacuycuy at Fil-Mongolian Enkmend Enkhmend ay parehong nabasag ang QTS (30.72) sa boys 14-15 50-m breast sa tyempong 30.39 at 30.60, ayon sa pagkakasunod.

Nagtapos si Sebastian Marcelo sa pangatlo sa 30.94. Ang iba pang gold medalists sa kani-kanilang events ay sina Behrouz Mojdeh sa boys 11-13 400-m free (4:40.05), Aishel Evangelista (14-15, 4:18.27), Adrian Eichler (19-over, 4:07.01), Daniel Bumadella (boys 11-13 50-m breast, 33.82), Joaquin Taguinod (16-18, 30.16), Jaeddan Gamilla (19-over, 28.34), Rielle Antonio (girls 11-13, 50-m breast, 36.98), Arabella Taguinota (16-18, 34.14), Alyza Ng (19-over, 33.20), Makayla Petalvero (girls 11-13 400-m free, 4: 53.57), Kyla Bulaga (14-15, 4:45.31), Jie Talosig (16-18, 4:40.93), at Mishka Sy (19-over, 4:41.29).