NATULDUKAN na ang pagkalat ng maling balita o fake news kaugnay ng umano’y serial keller sa Caloocan City.
Ito ay matapos ang matagumpay na isinagawang follow up operation ng mga tauhan ni Sub Station 5, Commander PCpt. Zoilo T. Lopez at PCpt. Julius J. Villafuerte Acting Intelligence Section.
Nabatid na nagtungo ang mga awtoridad sa Tanza, Cavite at nasakote ang suspek na si Reyand Pude, alyas Balong, 22.
Nag-ugat ang umano’y fake news sa social media dahil sa pagkalat ng CCTV footage hinggil sa pananaksak ng suspek sa kanyang dating 22-anyos na kasintahan.
Nakatayo ito at gumagamit ng kanyang cellphone sa Barangay 83, Bagong Barrio, Caloocan City.
Ang suspek na kasalukuyang nakadeteni ay naharap sa kasong paglabag sa Article 246 of Revise Penal Code/murder. (Istorya at larawan ni Christian