DEDO ang construction worker o obrero makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainumang hardinero dahil umano sa selos sa Alfonso, Cavite.
Isinugod pa sa Poblete Hospital ang biktima na si Christopher Ronquillo, 35, Brgy Taywanak Ilaya, Alfonso, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng saksak Sa katawan.
Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas Biboy, 32, binata, at kapitbahay ng biktima.
Sa ulat, bandang alas-9:10 ng gabi naganap ang insidente sa Brgy Taywanak Ilaya.
Nag-iinuman ang biktima, suspek at tatlo pa nilang kaibigan,
Nakarami na ng ininom ay naglabas ng patalim ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima.
Nabatid na pinagseselosan umano ng suspek ang biktima sa pinopormahan nitong babae.
Naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow up operation ng pulisya. GENE ADSUARA