PINOSASAN ang lalaking lumantad at sumuko kay Dasmarinas City Mayor Jenny Barzaga dahil hindi umubra ang alibi nito na wala siya sa crime scene at nagtatrabaho sa ibang lugar.
Si alyas Rommel ay sumuko kay Barzaga bandang alas-9:30 ng umaga upang umano’y “linisin” ang kanyang pangalan matapos lumabas sa Facebook page ng alkalde at reward sa kanya na itinuturong isa sa suspek sa pagpatay kay Chatty Timbang at pagkakasugat ng tatlong iba pa sa loob ng Emergency Room ng Pagamautan ng Dasmarias City noong Huwbes ng madaling araw.
Sinabi ng suspek na wala umano siya sa Cavite noong nangyari ang pagpatay at nasa kanyang trabaho sa Bataan bilang delivery boy ng mineral water. Nagpakita pa siya ng kuha sa kanyang cellphone mula sa CCTV sa kanyang pinagtatrabahuan.
Pero taliwas sa kanyang pahayag, sinabi ni Police Lt. Colonel Julus Balano, hepe ng Dasmarinas City Police, inginuso siya mismo ng nabaril na biktima at ang naarestong suspek na kasama siya sa krimen.
Matapos basahan ng kanyang karapatan ay tuluyan siyang inaresto ng pulsiya sa kasong frustrated homicide.
Matatandaan na nasawi ang isang babaneg pasyente sa loob ng ER ng Pagmutan ng Dasmarinas at ikinasugat din ng tatlong iba pa kabilang ang ina ng biktima, isang dalaw at ang security guard makaraang pagbabarilin ng isang lalaki na pumasok doon bandang alas-3:10 ng madaling araw.
Agad na binawian ng buhay ang biktima na si Chatty Timbang y Doringo dahil sa tama ng bala sa katawan habang sugatan naman ang ina nito na si Conchita Timbang, dalaw sa ospital na si Nedia Vasquez at secuurity guard na si Abdul Batua. GENE ADSUARA