KAPAG may insidente ng pagpatay at kakausapin o tatanungin ang kaanak ng biktima ay halos iisa ang kalimitang sagot.
Wala akong alam na kaaway o kagalit ng aking anak, iyan ang sagot kapag nanay o tatay ang kausap.
Kapag kapatid naman ang biktima ay sasabihing wala siyang natatandaang kaaway o kagalit ng kanyang kuya o ate.
Ibig sabihin kapag ininterbiyu ang sino mang kaanak ng napatay ay karaniwang maririnig na sagot ay wala siya o sila na alam na kaaway o kagalit ng biktima.
Puwedeng totoo pero gaano kasiguro ang mga kaanak sa kanilang pagbibitiw ng pahayag.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kasama at katabi natin ang ating kaanak.
Ang oras o kahit minuto na pagkakahiwalay sa kaanak ay may mga kaganapan na kaagad.
Kung estudyante ay ilang oras din na mawawalay sa ating tabi dahil mananatili sa paaralan.
Lalo na sa mga nagtatrabaho dahil bukod sa hindi natin makikita o malalaman ang pangyayari sa kaanak ay makakahalubilo pa ng ibang tao.
Minsan nga na mismong kasamahan na sa trabaho ay hindi ka pa sigurado.
Humaharap sa iyo, nakikipag-usap at nakikipagngitian subalit ang lahat pala ay puno ng kaplastikan.
Nakakaramdam na pala ng inggit at unti-unti ay nagtatanim na ng galit.
Hindi natin sinasabi na magiging daan para sa pagpatay subalit maaaring magkaroon ng posibilidad.
Anyway, ang pinupunto lamang natin ay habang nabubuhay ang tao ay mayroong kaaway.
Kaaway na lantad o kaaway na lihim.
Since buhay ka pa ay magkukuwento ka sa iyong kaanak, halimbawa sa asawa, magulang, anak, ng mga kasamahan mo sa trabaho o kaeskuwela na sa tingin o pakiramdam mo ay may lihim na galit o inggit sa iyo na maaaring humantong sa pagiging sikretong kaaway.