TUWING nakakaranas ng pananalasa ng bagyo ay karaniwan na ang pakiusap sa publiko ng Philippine Animal Welfare Society.
Huwag naman umanong pabayaan bagkus ay tulungan at kung maaari ay isalba ang buhay ng mga hayop.
Tiyaking ang mga hayop ay mayroong masisilungan at matutuluyan kaakibat ang wastong pagkain at inumin.
Kung sadyang kinakailangan ay ipagkaloob sa kanila ang serbisyo ng beterinaryo.
Bilang pet owner ay kasama sa responsibilidad ang pagbibigay ng proteksiyon sa hayop sa panahon ng bagyo o ano mang kalamidad.
Bukod sa evacuation plan ay dapat palaging handa ang kanilang emergency kits para sa mga alaga.
Tungkulin ng bawat pet owner na ilikas ang mga alaga na ligtas.