Nagbaril sa sentido sa harap ng nobya  

SA ikalawang pagkakataon ay pumutok na ang baril na itinutok ng lalaki sa kanyang sentido na tumagos sa ulo sa harap ng nobya nito sa General Mariano Alvarez (GMA) Cavite Miyerkules ng madaling araw. 

Sinusult ito ay inoobserbahan sa University of Perpetual Help Medical Center ang biktima na si alyas Jonard dahil sa tama ng kalibre 38 na baril.

Ayon sa salaysay ng girlfriend ng biktima, nag-inuman sila ni Jonard kasama ang ilang kaibigan sa Block 6 Lot 6 Forseti St., Brgy Kua, GMA bandang ala-1:40 ng madaling araw.

Niyaya ng biktima ang kanyang nobya na mag-usap sa living room ng nasabing bahay. 

Nabigla ang babae dahil itinutok ng kanyang boyfriend sa sentido ang baril at kinalabit ang gatilyo  subalit hindi pumutok.

Sa ikalawang pagkakataon ay muing kinalabit ng biktima ang gatilyo ng baril na nakatutok sa kanyang sentido at umano’y  pumutok na.

Hindi naman binanggit sa ulat kung nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa bago ipinutok ng biktima ang gatilyo ng baril.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima kung saan kasalukuyang inoobserbahan. 

Nabatid na walang kaukulang dokumento ang baril na ginamit ng biktima. GENE ADSUARA