50M BACKSTROKE JULIAN DE BORJA TEAM PCS TIME 30: 67
IBINUHOS ng todo ni Julian De Borja team PCS ang lakas sa pag langoy ng 50m Backstroke upang manguna sa oras nitong 30:67 ng katatapos na “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming leg 1 sa Ildefonso swimming pool, Rizal Memorial Sports Complex. (REY NILLAMA)
Kinumnpleto nina junior standout Aishel Evangelista ng Betta Caloocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilustre East Swim ang dominasyon sa kani-kanilang age class at tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Kilalanin ang leg 1 sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.
Ang 14-anyos na si Evangelista, isang Grade 10 student sa Unibersidad ng Santo Tomas, ay nangibabaw sa boys’ 800m freestyle na nagtala ng 9:01.32 laban kina Joaquin De Castro ng Ilustre East (9:45.24) at Marc Chua ng Xavier School (10: 12.60) para tumaas ang kanyang gold medal haul sa lima sa dalawang araw na kompetisyon na inorganisa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) at suportado ng Speedo, Philippine Sports Commission, at Philippine Olympic Committee.
Si Evangelista, miyembro ng National Team sa Asian Age Group Championships noong Pebrero sa New Clark City, ay nanguna rin sa 200m Individual Medley (2:18.45), 50m breaststroke (33.38), 100m free (57.64) at 50m backstroke (31.77) .
Napantayan ng 16-anyos na Santor ng Ilustre East Swim ang paghakot ng medalya ni Evangelista sa mga panalo sa 800m free (10:05,25) at 200m free (2:24.30) at inangkin ang MOS award sa kanyang age class.
Nauna nang nanalo ang UST Senior High student sa 200m IM ( 2:31.22), 200m breaststroke (2:50.68), at 100m freestyle (1:02.80). Sina Makoto Nakamura ng S’Ace Seahawks at North Cotabato phenom Jie Angela Mikaela Talosig ng Midsayap Pirates ay lumabas din bilang MOS sa girls’ 11-yrs at 18-yrs, old class, ayon sa pagkakasunod-sunod na may apat at tatlong gintong medalya na napagwagian
Inangkin ni Makoto ang 800m free (10:29.86), 200m fly (2:47.39), 200m IM (2:45.64), at 50m breast (40.27), habang si Talosig, 18, ay muling naghatid sa 800m free clocking 9:44.96 para idagdag sa kanyang mga naunang tagumpay sa 200m IM (2:33.32), 100m free (1:01.80).
“Binabati namin ang lahat ng nanalo. Sana makita natin sila sa Leg 2 next month. Sana, mas magandang time ang makikita natin sa susunod na tournament,” said PAI Executive Director Anthony Reyes.
Ang iba pang mga nanalo sa morning session ay sina Findlay Mackenzie sa boys 11-yrs old 200m IM (2:42.47); Shoichi Tao (12-yrs, 2:37.04); Ethan Elimos (13-yrs, 2:28.88); Jamen Bersamin (15-yrs, 2:26.00); Shiblon Montera (16-yrs., 2:28.87); Albert Jose Amaro (17-yrs., 2:16.25); Nimrod Montero (18-yrs., 2:20.56); John Ambrocio (19-over, 2:16.51); Alice Mamaat sa mga batang babae 12-yrs-old 200IM (2:49.52); Sandy Martin (13-yrs., 2:48.45); Krystal David (14-yrs, 2:41.58); Kristine Jane Uy (15-yrs, 2:38.61)
Anaia Mikaela Lim (17-yrs., 2:41.86); Jindsy Dasion (19-over, 2:33.32); Paul Vincent Ocampo sa boys 11-yrs-old 50m breast (39.84); Calix Boletche (12-yrs., 38.17); Mark Cimini (13-taon, 36.69); Matt Nerison (15-yrs., 33.07); Keane Payuran (16-yrs., 33.70); Ashby Canlas (17-yrs., 31.12); Rafael Ole (18-yrs, 32.35); at Julian De Borja (19-over, 30-67).