Ibang klase ang PAPI  

TAAS ang aking noo para sabihing bahagi ako ng Publishers Association of the Philippines, Inc.

I am proud to be a PAPI member.

Nakakabilib! Ibang klase talaga ang PAPI.

Bakit?

Eh kasi ba naman, sa selebrasyon ng 50th anniversary ng PAPI nitong Setyembre 20 na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City ay si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. lang naman ang aming panauhing pandangal.

Ibang klase hindi po ba?

Presidente ng Pilipinas ay nagbigay ng oras o panahon para sa pagdalo sa gintong anibersaryo ng PAPI.

Hindi ito magkakaroon ng katuparan kung mahinang klase ang pamunuan ng aming asosasyon.

Ibig sabihin ay nasa magandang kamay ang PAPI sa pamamagitan ng aming pangulo na si Nelson Santos.

Siyempre sampu ng mga opisyales ng PAPI upang maging makulay at matagumpay ang PAPI golden anniversary.

Kaya naman ang aking pagsaludo kay President Nelson Santos at lahat ng opisyal ng PAPI.

Kung hindi dahil sa magandang liderato ng kasalukuyang PAPI, bukod kay President Marcos ay sumaksi rin sa nasabing okasyon ang ilang opisyal ng pamahalaan gayundin ang ina ng lungsod ng Pasay.

O saan ka pa!

‘Di ba nakakabilib at masasabing ibang klase ang PAPI.

Mabuhay ang PAPI!