May dahilan ang hindi pagboto

MAYROONG kaakibat na panghihinayang ang Commission on Elections para sa mga hindi umabot sa itinakdang deadline sa voters’ registration.

Mawawalan sila ng karapatan o partisipasyon sa paglahok sa 2025 midterm election.

Katanungang mayroon nga bang pagsisisi o panghihinayang sa kanila na hindi umabot sa pagpapatala.

May kanya-kanyang dahilan kung bakit hindi nakaabot sa pagpapatala o sadyang minabuting hindi magparehistro.

Ang pakikilahok sa halalan ay masasabing obligasyon ng bawat isang nasa wastong gulang.

Tinig ng bawat isa o kapangyarihan ang pagboto subalit dapat irespeto ang sino mang ayaw ng makilahok sa eleksiyon batay sa kanilang sariling pananaw.