JONVIC REMULLA, MULING TATAKBO BILANG AMA NG CAVITE  

NAKAPAGHAIN na ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 Midterm Election si Incumbent Governor Jonvic Remulla na nasa pangatlong termino.

Kasama ni Rermulla ang kanyang running mate na si Vice Governor Athena Tolentino na nasa kanyang ikalawang termino na nagtungo bandang alas-10:30 ng umaga sa Provincial Election Supervisor sa Trece Martires City, Cavite. 

Kasama din ni Athena ang kanyang mga magulang na sina Tagaytay Mayor Mayor Bambol Tolentino at Vice Mayor Agnes Tolentino gayundin si Senator Francis Tolentino. 

Maging si Alfonso Mayor Randy Salamat ay nakapaghain na rin ng kanyang COC para sa ikatlong termino. 

Sa Rosario ay pormal na rin naghain ng kanyang COC si Incumbent Mayor Jose Volataire  Ricafrente  sa ilalim ng Partido Lakas Christian Muslim  Democrats (LAKAS-CMD.)

Ang mag-inang Lani Mercado-Revilla at Jolo Revilla ay naghain na rin ng kanilang COC bilang Representative (Re-electionist) ng 2nd Congresional District ng Cavite (Bacoor City) habang sa Unang Distrito si Jolo na kinabibilangan ng Cavite City, Kawit, Noveleta at Rosario, kapwa sa ilaim ng Lakas-CMD.   

Sa Naic ay naghain na rin ng kanilang COC si Incumbent Mayor Jun Dulaan at Jacinta Remulla bilang Vice Mayor.

Sa Silang ay naghain na rin ng kanilang COC sina Cavite 5th District Congressman Roy Loyola para sa kayang ikalawang termino , Board Member Re-electionist Aida Belamide  at Board Member aspirant-Silang Councilor Alvee Reyes.

Nagsimula ang paghahain ng COC mula October 1 hanggang 8, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. GENE ADSUARA